🎵 PAG-IBIG KO LANG 🎵
(Atty. Su)
Note: Composed Year 2016
I-
Unang kita ko, kislap ng mga mata
mo.
Dama ko’y kaligayahang hindi
maintindihan.
Pintig ng puso’y hindi mapipigilan.
At nang ako’y lapitan mo,
Kaluluwa’y parang naglaho,
Nilipad ng hangin, sa mga ulap ay
abot tingin.
Pag-ibig ko ay biglang nabuo.
Pag-ibig na wagas handang ialay
sayo.
II
Nang ika’y nasa aking tabi,
Puso ko’y hindi mapakali,
Ang sabi mo’y nabighani ka,
Na parang ako’y kilalang-kilala mo
na.
Bakit nga ba ganito?
Damang-dama ko din ang pag-ibig mo,
Tayo nga ba’y pinagtagpo,
Upang punan ang puwang ng mga puso.
CHORUS
Pag-ibig ko lang ang gustong ipadama.
Pag-ibig ko lang ang sayo’y
magpasaya.
Magtiwala ka sana sa pag-ibig ko.
Ikaw lang at ako.
Hanggang wakas hindi magbabago.
Ang pag-ibig kong sayo ay totoong-totoo.
Yan ang pangako ko, ang pag-ibig ko,
Ang pag-ibig ko, ay para lang sayo.
III
Ako’y naniniwalang itinadhana tayo,
Ika’y para sa akin at ako ay para sayo.
Kaya hawakan mo ang mga kamay ko,
At mga mata koy titigan mo,
Pag-ibig ko ang nais kong makita mo.
Mahal kita, ikaw ang kapalaran ko.
(Repeat chorus)
Oh oh oh, mahal ko
Iingatan ka ng pag-ibig ko.
Pag-ibig ko lang ay para sayo.
Damhin mo ng buong-buo,
Sayo’y wala ng kulang.
Pag-ibig ko lang.

Comments
Post a Comment