π΅ PAG-IBIG KO LANG π΅
π΅ PAG-IBIG KO LANG π΅ (Atty. Su) Note: Composed Year 2016 I- Unang kita ko, kislap ng mga mata mo. Dama ko’y kaligayahang hindi maintindihan. Pintig ng puso’y hindi mapipigilan. At nang ako’y lapitan mo, Kaluluwa’y parang naglaho, Nilipad ng hangin, sa mga ulap ay abot tingin. Pag-ibig ko ay biglang nabuo. Pag-ibig na wagas handang ialay sayo. II Nang ika’y nasa aking tabi, Puso ko’y hindi mapakali, Ang sabi mo’y nabighani ka, Na parang ako’y kilalang-kilala mo na. Bakit nga ba ganito? Damang-dama ko din ang pag-ibig mo, Tayo nga ba’y pinagtagpo, Upang punan ang puwang ng mga puso. CHORUS Pag-ibig ko lang ang gustong ipadama. Pag-ibig ko lang ang sayo’y magpasaya. Magtiwala ka sana sa pag-ibig ko. Ikaw lang at ako. Hanggang wakas hindi magbabago. Ang pag-ibig kong sayo ay totoong-totoo. Yan ang pangako ko, ang pag-ibig ko, Ang pag-ibig ko, ay para lang sayo. III Ako’y naniniwalang itinadha...