Pag-ibig Ko Lang

 



(A song personally composed by Atty. Su)

 

I- 

Unang kita ko,

Kislap ng mga mata mo.

Dama ko’y ligayang hindi maintindihan.

Pintig ng puso’y hindi mapiligilan.

At nang ako’y lapitan mo,

Kaluluwa’y parang naglaho,

Nilipad ng hangin,

Hanggang sa mga ulap ay abot tingin.

Pag-big ko ay biglang nabuo.

Pag-ibig na iaalay ko sayo.

 

II

Ng ika’y nasa aking tabi,

Puso ko’y hindi mapakali,

Ang sabi mo’y nabighani ka,

Na parang ako’y kilala-kilala mo na, sinta.

Bakit nga ba ganito,

Damang-dama ko din ang pag-ibig mo,

Tayo nga ba’y pinagtagpo,

Upang punan ang puwang ng mga puso.

 

CHORUS 

Pag-ibig ko lang ang gustong ipadama

Pag-ibig ko lang ang sayo’y magpasaya.

Magtiwala ka sana sa pag-ibig ko

Hanggang wakas hindi magbabago.

Ang pag-ibig ko’y ito’y totoo

Yan ang pangako ko,

Ang pag-ibig ko, ang pag-ibog ko

Ay parang lang sa ‘yo, mahal ko.

 

III

Ako’y naniniwalng itinadhana tayo,

Ika’y para sa akin at ako’y sayo,

Kaya hawakan mong mga kamay ko,

At mga mata ko’y titigan mo,

Pag-ibig ko ang nais kong makita mo.

Mahal kita, ikaw ang kapalaran ko.

(Repeat chorus. )


💗Atty. Su

Comments

Popular posts from this blog

Goodbye, Pa.

Step-by-step guide to filing a Small Claims Case in the Philippines

MISSING SOMEONE