Pag-ibig Ko Lang
(A song personally composed by Atty. Su) I- Unang kita ko, Kislap ng mga mata mo. Dama ko’y ligayang hindi maintindihan. Pintig ng puso’y hindi mapiligilan. At nang ako’y lapitan mo, Kaluluwa’y parang naglaho, Nilipad ng hangin, Hanggang sa mga ulap ay abot tingin. Pag-big ko ay biglang nabuo. Pag-ibig na iaalay ko sayo. II Ng ika’y nasa aking tabi, Puso ko’y hindi mapakali, Ang sabi mo’y nabighani ka, Na parang ako’y kilala-kilala mo na, sinta. Bakit nga ba ganito, Damang-dama ko din ang pag-ibig mo, Tayo nga ba’y pinagtagpo, Upang punan ang puwang ng mga puso. CHORUS Pag-ibig ko lang ang gustong ipadama Pag-ibig ko lang ang sayo’y magpasaya. Magtiwala ka sana sa pag-ibig ko Hanggang wakas hindi magbabago. Ang pag-ibig ko’y ito’y totoo Yan ang pangako ko, Ang pag-ibig ko, ang pag-ibog ko Ay parang lang sa ‘yo, mahal ko. III Ako’y naniniwalng itinadhana tayo, Ika’y pa...